Patay ang 12 pulis matapos umanong lusubin ng Islamic state ang isang security checkpoint sa Kirkuk City, Iraq.
Ayon sa mga awtoridad, nagkaroon ng komprontasyon ang mga pulis at mga militante na tumagal ng halos dalawang oras.
Unang nasawi ang tatlong alagad ng batas at nadagdagan ito nang masabugan naman ng roadside bombs ang mga reinforcements.
Bagama’t wala pang umaako sa pag-atake, kilalang aktibo ang Islamic state sa nasabing lugar.