Diskumpyado si Senador Allan Peter Cayetano na mailalabas pa ang buong katotohanan sa likod ng Mamasapano incident, maliban na lamang kung may lalabas na whistleblower at kung ipag-uutos ng Pangulong Benigno Aquino III sa mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na magsabi ng totoo.
Ayon kay Cayetano, inakala niya na replay ang pinakikinggang hearing kahapon kung saan mayroon pa rin aniyang missing link sa kabila ng ginawang pagdinig.
Kumbinsido ang senador na sa susunod na administrasyon na lamang malalaman ang buong katotohanan sa madugong Mamasapano incident.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)