Hinikayat ni Senator Richard Gordon ang publiko na magtipid sa konsumo sa langis sa harap ng walang patid na pagtaas ng presyo nito.
Payo ni Gordon sa bawat pamilya, mag-carpool na lang sa halip na magdala ng kanya-kanyang sasakyan.
Mainam din para kay Gordon, kung bawat tahanan ay mamumuhunan sa mga renewable energy sources.
Para naman sa mga magsasaka, makatutulong kung pagsasabay-sabayin na nila ang paghahatid o pagbyahe ng kanilang mga produkto patungo sa mga pamilihan.
Hiniling naman ni Gordon sa gobyerno na humanap ng paraan para mapataas ang imbak na langis dahil isa ang Pilipinas sa nakikipagkumpentensya ngayon sa buong mundo para makakuha ng sapat na suplay ng produktong petrolyo.