Itinuturing nang patay ni Senador Bongbong Marcos ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ito’y ayon kay Marcos ay dahil wala nang pagkakataon pang matalakay ang nasabing panukala dahil sa ngayon ang huling araw ng sesyon bago ang Christmas break ng Kongreso.
Giit pa ni Marcos, hindi pa rin kakayanin kahit ibuhos nila ngayong araw ang pagtalakay sa nasabing panukalang batas.
Bukod sa pagiging Chairman ng Senate Committee on Local Government na siyang humahawak dito, tumayo ring sponsor at author si Marcos para isulong ang senate version ng Basic Law on the Bangsamoro Region.
Mahaba-haba aniya ang ilalakbay ng nasabing panukla lalo’t maraming katanungang nais ibato ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile dahil sa marami rin itong nakikitang kuwestyunableng probisyon sa nasabing panukala.
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)