Pabor kay Senator Tolentino ang pag-apruba ni Pangulong Marcos ng paglabas ng P12.7 billion para pondohan ang tig-P5,000 na ayuda sa bawat 2.3 milyong magsasaka sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance o RFFA.
Suportado rin ng mambabatas ang kautusan ng Pangulo sa Department of Agriculture na gamitin ang sobrang pondo sa Rice Competitiveness Enhancemdnt Fund para sa makina at iba pang kagamitan para mas produktibo ang mga Pilipinong magsasaka sa produksyon ng palay.
“Second downpayment ‘yan ng ayuda. May parating pa.Last year, we collected P22.7 billion in rice tariffs. Ang P10 billion ay na-earmark na para sa mga proyekto sa ilalim ng RCEF. Imbes na i-remit ang sobra na P12.7 billion sa Treasury, iniutos ng Pangulo na ibalik ito sa mga magsasaka,” ayon kay Senator Tolentino.
“Second downpayment ‘yan ng ayuda. May parating pa. Last year, we collected P22.7 billion in rice tariffs. Ang P10 billion ay na-earmark na para sa mga proyekto sa ilalim ng RCEF. Imbes na i-remit ang sobra na P12.7 billion sa Treasury, iniutos ng Pangulo na ibalik ito sa mga magsasaka,” dagdag niya.
Tinawag din ni Senator Tolentino na “katas ng bigas” at “bunga ng pagsisikap” ang natatanggap na tulong pinansyal at iba pang ayuda ng mga magsasaka mula kay Pangulong Marcos.
“Second downpayment ‘yan ng ayuda. May parating pa. Last year, we collected P22.7 billion in rice tariffs. Ang P10 billion ay na-earmark na para sa mga proyekto sa ilalim ng RCEF. Imbes na i-remit ang sobra na P12.7 billion sa Treasury, iniutos ng Pangulo na ibalik ito sa mga magsasaka,” ani Senator Tolentino.
Sa ilalim ng Republic Act 11203 o Rice Tarrification Law, gagamitin sa mga programa at proyektong pabor sa mga magsasaka ang mga makokolektang buwis sa imported na bigas para sa RCEF. Ang sobrang koleksiyon mula rito ang nais ng Pangulo na ibuhos sa mga magsasaka ng palay upang masiguro ang magandang produksiyon at tumaas ang kita ng mga ito.