Namatay ang dalawang katao at isa ang sugatan sa Uppsala, Sweden matapos mahulog ang isang matandang lalaki mula sa pitong palapag, at tumama sa dalawang tao, sa isang concert hall, ayon sa otoridad.
Hindi pa tiyak ng polisya kung tumalon o nahulog ba ang 80 anyos na matanda na agad binawian ng buhay.
Dinaluhan ng nasa isang 1,000 katao ang consert kung saan, dalawang 70 anyos ang nadaganan na nagresulta ng pagkasawi ng isang nadamay at na-injured naman ang isa pa sa nasabing aksidente.—sa panulat ni Joana Luna