Patay ang isang sibilyan nang tamaan ng sniper ng Maute Group sa kalagitnaan ng pagsagip dito ng mga sundalo sa Marawi City.
Ayon sa isa sa mga nasagip na sibilyan, walang puso ang nasabing sniper na pumatay ng walang kalaban-laban na sibilyan na nais lamang ding mabuhay sa gitna ng nasabing bakbakan.
Ang nasabing sibilyan ay ika-20 na sa bilang ng mga sibilyang napapatay ng Maute Group simula nang umatake ang teroristang grupo sa Marawi City.
Kinundena naman ni Task Force Marawi Commander Brigadier General Joselito Bautista ang pagpatay ng Maute Group sa mga na-trap na sibilyan habang sinasagip ang mga ito.
Sinabi ni Bautista na malinaw na walang pagpapahalaga sa buhay ng mga inosenteng tao ang Maute Group.
By Judith Larino