Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang Singaporean ang namumuno sa extremist group sa Sulu.
Sa pre-departure speech ng Pangulo sa NAIA Terminal 2 bago tumulak patungong Cambodia, sinabi nito na maaaring ISIS ang naturang extremist group na gumagala ngayon sa dulong bahagi ng bansa.
Isiniwalat din ng Pangulo na mayroon ding Malaysians, Indonesians at Filipinos na kasama sa grupo.
Nakagugulat aniya na isang Singaporean ang namumuno sa extremist group.
Kung tutuusin, ayon sa Pangulo, mahigpit ang batas sa Singapore subalit nakuha nitong makapagpalago ng terrorist cell.
Ipinabatid ng Pangulo na isa ito sa mga tatalakayin niya sa mga opisyal ng Singapore sa kanyang state visit doon.
By Meann Tanbio / Aileen Taliping (Patrol 23)