Isang sinibak na pulis na ikinukunsiderang high-value target ng Bohol Provincial Police Office o B.P.P.O. Ang patay sa anti-drug operations sa bayan ng Talibon.
Kinilala ang nasawi na si Edgardo Bunado, Alyas Ega, 47 anyos at dating Police Officer 2.
Ayon kay Senior Insp. Jojit Mananquil ng Provincial Intelligence branch ng B.P.P.O., natiyempuhan si Bunado ng mga dating kabaro sa isinagawang buy-bust operation sa Purok 1, Barangay San Isidro, kahapon.
Isa anya sa mga police officer ang nagpanggap na buyer pero natunugan ng suspek na pulis ang ka-transaksyon kaya’t agad bumunot ng baril subalit naunahang paputukan ng mga otoridad.
Narekober mula kay Bunado ang 500 peso marked money, siyam na medium-sized sachet ng shabu at 14 na small plastic sachet ng shabu na aabot sa 472,000 Pesos ang halaga.