Inatake ng Russian forces ang Sievierodonetsk, isang siyudad sa Ukraine.
Ayon kay Damien Magrou, Spokesperson for the International legion for the defence ng Ukraine, nagtatago sa lugar ang nasa 500 indibidwal kabilang ang 40 bata na hindi pa makumpirma kung nasa maayos na kalagayan
70% na rin ng Sievierodonetsk ang nasa ilalim ng kontrol ng Russia.
Kabilang sa pinasabog ng Russia ang huling tulay sa Sievierodonetsk na kadalasang dinadaanan ng mga evacuees.
Sa ngayon, nanawagan na ang Ukraine ng Western Heavy weapons na gagamitin sa pagdepensa.