Pansamantalang ipinasara ang isang slaughter house sa Daraga, Albay bilang bahagi ng pag-iingat laban sa African Swine Fever (ASF).
Ayon kay provincial veterinary services officer in charge Pancho Mella, ito ay matapos na makatanggap ng ulat na apat na baboy ang dumating malapit sa katayan mula sa Bombon, Camarines Sur.
Una nang kinumpirma ni Department of Agriculture (DA) na 23 mga baboy ang infected ng ASF sa Bombon.
Bagama’t negatibo naman sa asf ang mga nakumpiskang baboy ay ibinaon pa rin ang mga ito at ipinasara para linisin ang katayan bilang pag-iingat.