Kinalampag ni ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong ang Senado para aksyunan ang panukala na naglalayong mapabilis ang internet service sa bansa sa pamamagitan ng pagpapasok ng foreign investment.
Nauna na kasing napagtibay sa kamara ang House Bill 78 o New Public Service Law ngunit hanggang sa ngayon ay nakabinbin pa rin ito sa Kamara.
Sa ilalim ng nasabing panukala, binibigyan nito ng pagkakataon ang mga foreign providers o players para makapag hatid ng episyenteng internet service sa mga Pilipino.
Sa oras na maisabatas ito inaasahang mas magiging maarami at malawak ang market competition sa mga internet provider.
Dagdag ni Ong, hindi dapat ipinagkakait sa mga Filipino ang magandang serbisyo sa paggamit ng internet lalo na ngayong pandemic kung saan marami ang umaasa rito maging hanap buhay man o pag-aaral.