Arestado ang isang sundalo at isang babae matapos ang ikinasang buy-bust operation ng otoridad sa Taguig City.
Ayon sa report ng PDEA-NCR, nasamsam sa Barangay new lower Bicutan sa C-6 road ang 15 kilo o higit isang milyong halaga umano ng marijuana mula sa isang babae at naturang sundalo na active personnel ng Philippine Army.
Samantala, kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa sa dalawang suspek habang patuloy na iniimbestigahan kung sino-sino ang mamimili at kung saan galing ang suplay ng nasabing droga.—sa panulat ni Airiam Sancho