Patay ang isang sundalo habang sugatan naman ang isang indibidwal matapos ang engkwetro sa pagitan ng militar at ng New People’s Army (NPA) sa Northern Samar.
Kinilala ang nasawi na si Private First Class John Jeffrey Dabalos, miyembro ng 19th Infantry Batallion ng Philippine Army na nakabase sa Northern Samar.
Hindi naman makilala ang nasugatang indibidwal na nadamay lang sa barilan.
Kwento ni Deputy Brigade Commander Colonel Efren Morados, kasama ni Dabalos ang mga kasamahan nito patungo sanang barangay maligaya sa Matuguinao, Samar nang maka-engkwentro ang 15 rebeldeng komunista.
Dead on the spot si Dabalos kaya dinala na ang labi nito sa St. Peter’s Funeral Homes sa Catarman. —sa panulat ni Abby Malanday