Isang sundalo ang patay habang tatlong iba ang sugatan sa panibagong engkwentro sa pagitan ng militar at Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu.
Ayon kay Lt. Gen. Arnel Dela Vega, commander ng AFP-Western Mindanao Command, pawang miyembro ng 6th special forces batallion ang nasawi at mga nasugatang sundalo.
Naganap ang engkwentro sa Barangay Igasan nang matiyempuhan ng mga tropa ng gobyerno ang mga bandido.
Tumagal anya ng 20 minuto ang bakbakan bago umatras at magpulasan ang mga miyembro ng ASG.
Tiniyak naman ni Dela Vega ang pagpapatuloy ng kanilang pagtugis at pagdurog sa mga bandido.