Muling nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang sundalo matapos itong magnegatibo at makalabas na ng ospital mahigit na dalawang linggo na ang nakalipas sa Zamboanga del Sur.
Ayon kay Dr. Robert Capatoy, kinuhanan muli ng swab specimen ang pasyente matapos ang 14-day mandatory home quarantine nito na bahagi ng guidelines ng Department of Health para sa mga pasyenteng nakalabas na ng ospital.
Dito nakita na nag positibong muli ang 52 anyos na sundalo.
Paliwanag ni Capatoy, posibleng may naitra pang virus sa katawan ng pasyente kaya nag positibo itong muli.
Gayunman hindi na binalik pa sa ospital ang pasyente dahil asymptomatic o wala umano itong sintomas ng sakit.