Patay ang 27 katao at sugatan ang 12 iba pa nang bumagsak ang isang Syrian army fighter jet sa isang palengke sa baluwarte ng mga rebelde sa Ariha, Beirut.
Malaking bilang ng mga nasawi ayon sa mga otoridad ay pawang sibilyan na nasa ground sa Idlib provincial town na bumagsak sa isang koalisyon ng Islamist insurgents noong Mayo.
Ang nasabing military plane ay naghulog ng bomba sa main commercial street sa lungsod kung kailan nagbubukas ang mga shop bago tuluyang mag-crash sa gitna ng palengke.
Sinabi ng Britain based Observatory for Human Rights na hindi naman binaril ang nasabing eroplano.
By Judith Larino