Binuwag na ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang StratCom o Strategic Communications na bahagi ng kanyang tanggapan.
Sa ipinalabas na utos ni Andanar, isinasaad na epektibo ang pagbuwag sa StratCom kahapon, Mayo 30 bilang bahagi ng isinasagawang re-organization sa PCO.
Aniya, layunin nito ang maiwasan ang redundancy of duties o ang pagdodoble ng mga gawain.
Alinsunod dito, dalawampu (20) sa apatnapung (40) mga empleyado nito ang ililipat sa ibang unit ng PCO habang ang natitirang mga contractual ay itinuturing na tanggal na sa kanilang mga posisyon.
ByKrista de Dios | with report from Aileen Taliping (Patrol 23)
Isang tanggapan sa ilalim ng PCOO binuwag was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882