Isang tao bawat 10 minuto ang namamatay dahil sa coronavisus disease 2019 (COVID-19) sa Iran.
Ito ang inihayag mismo ng Health Ministry ng Iran matapos pumalo sa 1,284 ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa kanilang bansa.
Batay aniya sa kanilang impormasyon, nasa 50 katao naman kada isang oras ang nahahawaan ng nabanggit na virus.
Sa kasalukuyan, umaabot na sa 18,407 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Iran.
Dahil sa sitwasyon, una nang ipinag-utos ng pamahalaan ng iran ang pagpapasara sa mga eskuwelahan at unibersidad sa kanilang bansa.
Gayundin ang pagbabawal sa mga sports, cultural at religious events kabilang na ang selebrasyon ng Nowruz New Year.