Nang dahil sa isang aksidente na nangyari sa mismong bahay kung saan ay dapat pinakaligtas ang mga tao, maagang binawian ng buhay ang isang baby, at sa kasamaang palad, involved ang kaniyang tatay sa insidente.
Ang buong pangyayari, eto.
Pasado alas dos ng madaling araw nitong March 29 nang aksidenteng mapahamak at nawakasan ang buhay ng isang taong gulang na baby girl sa mismong bahay nila sa Taman Desa Harmoni.
Ayon sa Police Chief ng Seri Alam District na si Mohd Sohaimi Ishak, paatras daw na inilalabas ng 27-anyos na tatay ang kaniyang sasakyan mula sa garahe ng kanilang bahay.
Ngunit bigla na lang daw nakarinig ng ingay ang lalaki sa kaliwang bahagi ng likuran ng kaniyang sasakyan.
Nang bumaba ang tatay para tingnan ito, nakita niya na lang na duguan ang isang taong gulang niyang anak na babae at wala ng malay.
Agaran niyang isinugod ang bata sa Sultan Ismail Hospital ngunit binawian din ito ng buhay dahil sa severe head injuries na tinamo nito mula sa aksidente.
Iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente sa ilalim ng Section 41 (1) ng Road Transport Act Of 1987 na tumutugon sa reckless o dangerous driving na nagresulta ng casualty.
Samantala, nagbigay ng paalala ang mga otoridad na maging mas maingat sa pagmamaneho lalo na kung mayroong mga bata sa paligid.
Ikaw, ano ang masasabi mo sa kalunus-lunos na pagkawala ng bata na ito?