Isang tauhan ng Philippine Coast Guard ang natagpuang patay sa loob ng PCG Special Operations Force Training Center sa Barangay Talacagay, Hinoba-An, Negros Occidental.
Hindi naman pinangalanan ni Lt. Jaime Depillo, Deputy Police Chief ng Hinoba-An Municipal Police Station ang 42 anyos na biktima mula sa North Cotabato na nakatakdang magdiwang sana ng kaarawan bukas.
Batay sa imbestigasyon, natagpuan ng pamangkin ng biktima ang kanyang tiyo na walang buhay sa barracks na may katabing M16 rifle.
Ayon kay Depillo, maytama ng bala sa ulo ang hindi PCG personnel.
Wala pang kumpirmasyon sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng biktimapero tinitingnang anggulo ang posibleng ‘accidental firing at foul play.—sa panulat ni Drew Nacino