Tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang executive assistant ni contact-tracing czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Sa isang post ng Public Information Office, dito humihingi ng dasal si Doy Tabilog para sa lahat ng COVID-19 patients, sa kanilang pamilya, at gayundin sa lahat ng frontliners.
Nanawagan din si Tabilog sa lahat ng kanyang officemates at mga nakasalamuha niya mula Oct. 1 hanggang Oct. 3 na magpakonsulta sa doktor lalo na kung may nararanasan silang sintomas.