Nag-aalok ng iba’t-ibang libreng serbisyo ang isang telecommunications company sa mga residente sa Batangas na napektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Sa inilabas na abiso ng Globe Telecom, matatagpuan anila ang libreng charging, tawag, maging ang internet connectivity sa Malabanan Elementary School sa Balete sa Batangas.
Magtatagal ang inaalok na libreng serbisyo ng Globe sa naturang lugar hanggang sa Linggo o Hulyo 4 mula alas nwebe ng umaga hanggang alas-11 ng umaga; at ala-1:30 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon.
Bukod pa rito, may inihanda ring relief packs ang naturang kumpanya para ipamahagi naman sa mga nangangailangan nito.
Sa huli, sinab ng Globe na ang naturang hakbang ay layong makapagbigay suporta sa lokal na pamahalaan at tulong naman sa mga apektadong residente.