Tinukoy ang isang malaking telco bilang pinaka-consistent na mobile operator sa Pilipinas sa first quarter ng taon.
Ito’y base sa mga numero mula sa dalawang international analytics firms.
Sa reports ng Ookla at Opensignal, ang Globe ang lumitaw na top Philippine mobile operator pagdating sa consistency rating sa Q1 2022, naging pinakamahusay na telco pagdating sa pagkakaloob sa mga customer ng betteruser experience sa iba’t ibang applications.
Batay sa Speedtest Intelligence data, ang nangungunang digital solutions platform ay nagtala ng nationwide consistency score na 79.45 mula January hanggang March 2022, tumaas ng 70.43 mula sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Mas mataas din ito kumpara sa 79.02 na naitala sa Q4 2021.
Ang Southern Tagalog, kabilang ang mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon, ang may ‘most improved’ consistency score sa mga rehiyon sa buong bansa na may 81.26, sumusunod ang Central Visayas na may 73.95, at Bicol na may 73.02.
Ang mobile consistency score ng Ookla ay nadedetermina ng bilang ng tests na isinagawa na “above a certain speed threshold.” Mas mataas ang numero, mas na-e-enjoy ng consumers ang katanggap-tanggap na internet performance at quality.
Samantala, kinilala ng Opensignal ang Globe sa pagkakaroon ng pinaka-consistent mobile quality sa Pilipinas, kung saan tinalo nito ang mga katunggali sa Excellent and Core Consistent Quality categories ng Opensignal Mobile Experience Awards.
Ginawaran ng independent global standard ang telco ng Excellent Consistent Quality award sa April 2022 Mobile Network Experience Report for the Philippines nito, na gumamit ng datos mula January 1 hanggang March 31, 2022. Ang Globe ay nakakuha ng rating na 51.6 percent, mas mataas ng 7.8 percentage points sa pinakamalapit na katunggali.
Ang Globe ay No. 1 din sa Core Consistent Quality na may 74.6 percent, mas mataas ng 12.8 percentage points sa pinakamalapit na katunggali.
“Globe is the outright winner of the Excellent Consistent Quality award, as the highest proportion of users’ tests met the minimum recommended performance thresholds to watch HD video, complete group video conference calls, and play games on its network,” sabi ng Opensignal sa report.
“Our measures of consistent quality quantify how often users’ experience on a network was sufficient to support common applications’ requirements,” dagdag pa nito.
Sinusukat ng Excellent Consistent Quality ng Opensignal ang ‘percentage of users’ tests na nakatugon sa minimum recommended performance thresholds para sa panonood ng HD video, group video, conference calls, at paglalaro ng pgames. Samantala, ang Core Consistent Quality ay ang “percentage of users’ tests that met the minimum recommended performance thresholds for lower performance applications including SD video, voice calls and web browsing.”