Nagbabala ang grupong Filipino Alliance for Transparency and Empowerment laban sa mga naghahangad na gamitin para sa kanilang sariling interes ang kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Ayon kay Filipino Alliance for Transparency and Empowerment Spokesperson Jo Perez, nakatanggap sila ng ulat na may mga di umano’y kasapi ng National Democratic Front na nang-uugnay ng ilang lokal na opisyal sa mga sindikato.
Aniya, pawang mga nagsitigil na kasing magbayad ng Revolutionary Tax ang mga nasabing opisyal.
Sinabi ni Perez, dapat pag-aralan ng kampo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang listahan ng mga umano’y sangkot sa iligal na droga at siguruhing tama ang kanilang mga ebidensya laban sa mga ito.
By: Avee Devierte