Hinimok ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) ang gobyerno na aprubahan ang P5 taas pasahe dahil sa patuloy na oil price hike.
Ayon kay FEJODAP President Ricardo Rebaño, dahil sa sitwasyon ay parang public service na lamang ang pamamasada ng mga jeepney drivers.
Natutuwa naman aniya ang grupo na nakakapaghatid serbisyo sila sa mga Pilipino ngunit dapat aniyang umaksyon ang pamahalaan hinggil sa naturang usapin.
Matatandaang nagbabadya ang ika-siyam na taas presyo sa produktong petrolyo sa darating na Martes. -sa panulat ni Airiam Sancho