Muling umapela ang Federation of Jeepney Operator and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) sa gobyerno na payagan silang pansamantalang magpatupad ng pisong dagdag sa minimum na pasahe sa jeep sa gitna ng patuloy na pagsipa ng presyo sa produktong petrolyo.
Ayon kay FEJODAP President Ricardo Rebaño, hirap na hirap na sila at may ilan sa kanilang kasamahan ang gusto ng tumigil sa pamamasada.
Malaking tulong aniya sa mga tsuper sakaling pagbibigyan ang hiling ng grupo habang wala pang desisyon sa petisyon nilang limang pisong taas-pasahe.
Sisimulan namang dinggin ng ltfrb ang hirit na taas-pasahe sa Marso a-otso. – sa panulat ni Airiam Sancho