Pinangunahan ni Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople ang pagpapasara sa isang travel consultancy agency sa Quezon City dahil sa umano’y illegal recruitment.
Ayon kay Ople, ang OVM Visa Assistance and Travel Consultancy na matatagpuan sa Barangay Pasong Tamo ay nag-aalok ng trabaho sa Poland at Malta.
Natuklasan na nanghihingi pa umano ng P460,000 ang OVM sa mga aplikante bilang processing fee.
Ngunit nilinaw ng kalihim na ang ahensya ay wala sa listahan ng mga lisensiyadong recruitment agency.
Binigyang diin pa ni Ople na may zero-tolerance policy ang DMW sa mga illegal recruiters at human traffickers.