Isang tripulanteng Pinoy ang kabilang sa mga dinukot ng mga pirata sa Nigeria.
Ito ang kinumpirma ng maritime expert na si Dirk Steffen ng Risk Intelligence Firm sa Denmark.
Ayon kay Steffen, nilusob ng mga pirata ang cargo vessel na CMA/ CGM Turquoise habang naglalayag sa pagitan ng Lagos Nigeria at Douala, Cameroon.
Kabilang pa sa bihag ng mga pirata ay isang Egyptian crew member.
Ito na ang ikalawang pag-atake ng mga pirata ngayong linggo kung saan una nang dinukot ang 6 na tripulante ng Turkish cargo ship na MT Puli.
By Ralph Obina
Credit: AFP/ photo file