(9:13pm)
Hindi pa man nakalalabas ng bansa si Bagyong Urduja, isa na namang tropical storm ang namataan ng PAG-ASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration na posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR sa susunod na linggo.
Ayon sa weather forecaster na si Aldzcar Aurelio, inaasahang magla-landfall sa bansa ang panibagong bagyo na pinangalanang “Vinta” sa December 19 o 20 ng taong kasalukuyan.
Pahayag ni Aurelio, lumalabas sa kanilang monitoring na maaring tahakin din ni Vinta ang mga lugar na una nang dinaanan ni Typhoon Urduja.
Dagdag pa ng PAG-ASA weather forecaster, madalas na binabayo ng bagyo ang mga rehiyon ng Visayas at Mindanao tuwing buwan ng disyembre dahil sa malamig na hanging amihan.