Nasawi ang isang turista sa Thailand matapos mahulog sa Burma railway o kilala bilang ‘death railway’ habang nakasakay sa tren at nagse-selfie.
Ayon kay Police Colonel Phuchong Narong-in, commander ng police station sa bansa, sumali sa isang group tour ang biktimang si Patrick Ward na nagmula sa New Zealand at sumakay ng tren para makita ang death railway sa Kanchanaburi province sa western Thailand.
Pero binuksan ni Ward ang isang pinto ng tren upang subukang mag-selfie, ngunit nadulas ito sa hagdan dahilan para tuluyang mahulog.
Isa pang turista ang nakakuha ng video ng pagkahulog si Ward na nakitang bumagsak sa kanilang likod.
Sa ngayon, nakuha na ng mga rescuer ang katawan ng biktima sa pamamagitan ng isang makeshift pulley system.
Makikipag-ugnayan naman ang bansa sa New Zealand embassy sa Bangkok para sa kustodiya ng bangkay.