Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkawala ng isang Pinay tourist sa Indonesia.
Ang Pinay na si Ella Balmaceda Paanio, 25-anyos ay dapat nakabalik na ng Pilipinas noong December 28 subalit December 25 pa lamang ay hindi na umano ito nakikipag-ugnayan sa kaniyang mga kaanak.
Dahil dito, kaagad naghain ng missing person report ang embahada ng Pilipinas sa Indonesia para humingi ng tulong sa mga awtoridad doon na mahanap si Paanio.
—-