Patay matapos tulungan at iligtas ng Ukrainian actor na si Pasha Lee, 33-ayos, ang mga batang lumilikas dahil sa patuloy na pambobomba ng Russian Military Forces.
Ayon sa pinuno ng Centre for Civil Liberties sa Ukraine na si Oleksandra Matviichuk, binobomba ng Russian Forces ang bayan ng Irpin sa Ukraine nang alisin ng nasabing aktor ang kaniyang bulletproof vest.
Dito na isinuot ni Lee sa isang bata ang kaniyang bulletproof vest saka lumabas sa kani-kanilang mga bahay.
Base sa imbestigasyon, nakita nalang ang katawan ni Lee makalipas ang limang araw.
Si Lee ay naging bahagi umano ng ilang pelikula, at ginamit ang kaniyang boses sa Ukrainian versions ng Lion King at The Hobbit. —sa panulat ni Angelica Doctolero