Patay ang isang hinihilang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng militar at mga rebelde sa Camarines Sur.
Batay sa ulat ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, naganap ang engkuwentro pasado alas 8:20 ng umaga kahapon sa bayan ng Lagonoy.
Ito ay matapos makatanggap ng impormasyon ang nagpapatrolyang mga miyembro ng 83rd Infantry Battalion at PNP mula sa mga residente ng barangay Olas kaugany ng presensiya ng mga komunistang rebelde sa lugar.
Narekober naman ng militar at pulisya sa lugar ng engkuwentro ang apat na matataas na kalibre ng armas at ilang mga propaganda materials.
Tiwala naman si Joint Task Force Bicolandia Chief Major General Henry Robinson Jr. na napigilan ng naganap na engkuwentro ang mga planong pag-atake ng mga komunista.