Pansamantala munang inilipat sa Online class ang klase sa University of Southern Mindanao sa Bayan ng Kabacan, Cotabato.
Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang 13 mag-aaral nito na pumapasok sa face-to-face classes.
Ayon kay Geoffray Atok, Vice President for Academic Affairs ng USM, walo sa mga nagpositibo ay mula sa College of Nursing habang lima sa College of Veterinary Medicine.
Regular itong pumapasok sa klase pero noong nakaraang araw ay isinugod sa ospital matapos makitaan ng sintomas at dito na nalaman na positibo pala sa sakit.
Nasa 17 mag-aaral ang pumapasok sa in-person classes sa Kabacan na hindi naman ini-lockdown dahil sa nangyari.
Sa ngayon, inatasan na ni Atok ang dekana ng mga kolehiyo na magsagawa ng disinfection sa mga silid-aralan at pasilidad.