Isang unidentified aircraft ang namataan ng Philippine Navy sa bahagi ng Benham Rise.
Nagpapatrol ang BRP Ramon Alcaraz nang matanaw ng mga crew nito ang isang pinaniniwalaang drone o unmanned aerial vehicle o UAV na ilang minuto ring nagpa-ikot-ikot sa tapat ng barko.
Sa kabila nito, aminado si Commander Jeff Rene Nadugo, Commanding Officer ng BRP Ramon Alcaraz, walang kakayahan ang kanilang barko na tukuyin kung anong uri ng aircraft ang kanilang mga namamataan at sino ang nagpapalipad nito.
Magugunitang idineploy ng Department of National Defense (DND) ang naval warship matapos mamataan ang ilang Chinese ships na nasagawa umano ng survey sa Benham Rise na bahagi ng continental shelf ng Pilipinas.
PH Navy
Regular nang magpapatrol ang Philippine Navy sa Benham Rise.
Ito’y matapos mamataan sa naturang lugar noong nakaraang taon ang survey ship ng China na umaaligid at tila may hinahanap.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ipinag-utos nila ang regular na pagpapatrol sa Benham Rise dahil sa mga aktibidad ng Tsina.
Gayunman, ang pangunahin anyang layunin ng deployment ay ipakita na bahagi ng continental shelf ng Pilipinas ang Benham Rise na pinagtibay mismo ng United Nations.
Dagdag pa ng kalihim, ise-survey din ng militar ang Benham Rise upang malaman ang mga impormasyon nito tulad ng lalim, coral formation at iba pa.
By Drew Nacino