Isang hindi pa nakikilalang tao ang tumawid sa pinaka-mahigpit na militarized border mula South Korea patungong North Korea.
Kinumpirma ng South Korean Military na tumawid ang nasabing indibidwal sa Eastern Front ng Demilitarized Zone noong sabado ng gabi.
Na-detect ng militar ang indibidwal sa pamamagitan ng isang thermal observation device.
Agad nagdeploy ng karagdagang sundalo subalit hindi na nahanap ang hindi pa nakikilalang tao.
Gayunman, hindi pa mabatid kung buhay pa ito lalo’t sandamakmak na landmine at iba’t ibang uri ng pampasabog ang nakapaligid sa D.M.Z. —sa panulat ni Drew Nacino