Nagcra-crave ka na ba sa ice cream? Kung oo, bakit hindi mo subukan ang akutaq o Eskimo ice cream ng Alaska?
Hindi ito katulad ng nakasanayan nating ice cream dahil imbes na gatas, gawa ang akutaq sa meat and fat ng reindeer!
Gawa ang Eskimo ice cream sa pinaghalo-halong karne at taba ng hayop, seal oil, ground fish, dried salmon eggs, at berries. Bukod sa reindeer, ginagamit din ang moose, walrus, whale, o kahit anong available sources sa lugar.
Unang ginamit ang Eskimo ice cream bilang special traveling food. Inihahanda rin ito sa mga espesyal na okasyon na pinagsasaluhan ng komunidad. Pwede itong gawing palaman sa tinapay o kainin bilang dessert, snack, o kaya naman meal.
Kahit gawa sa karne, matamis ang lasa ng Eskimo ice cream, dahil na rin sa fresh berries na inilalagay rito. Mayroon din itong delicate, fruity flavor at smooth, silky texture.
Kakaiba man ang ingredients nito, ngunit gaya ng pangkaraniwang ice cream, masarap ang akutaq na nagbibigay saya sa sinumang kakain nito.