Kilala natin ang pufferfish bilang isang uri ng isda na lumolobo. Highly poisonous ang pufferfish dahil sa taglay nitong tetrodotoxin, isang uri ng lasong 1,200 times na mas malala kaysa cyanide.
Delikado man, ngunit sa Japan, patuloy na kinakain ang pufferfish na tinatawag nilang fugu.
Present ang toxin sa liver, testes o ovaries, at skin ng pufferfish. Kung aksidente itong nakain ng isang tao, iblo-block ng toxin ang absorption ng sodium. Pipigilan nito ang muscle contraction na siya namang magdudulot ng paralysis.
Kayang pumatay ng isang pufferfish ng 30 adult humans at sa kasalukuyan, walang antidote ang lason nito.
Sa kabila nito, delicacy pa rin sa Japan ang pufferfish dahil bukod sa masarap, puno ito ng vitamins at minerals na good for beauty and health.
Hindi ka naman dapat matakot kung susubukan mo ang pufferfish sa Japan dahil mismong gobyerno nila ang namamahala sa training ng fugu chefs. Tanging qualified fugu handlers lang na may license ang pwedeng mag-serve nito sa restaurants para matiyak na makakakain ka nito nang ligtas.
Mayroong refreshing, light taste, at sweet flavor ang pufferfish na mas masarap kung isasawsaw sa toyo na may citrus juice. Pwede itong sabawan o kaya naman iprito.
Aabot ang presyo ng full course fugu meal sa 30,000 yen o higit sa P11,000. Kahit mahal, marami pa rin ang gustong tikman ang kakaibang putaheng ito.
Sa Japan, mayroong tradisyunal na kasabihan na “Fugu wa kuitashi inochi wa oshishi” o “I want to eat fugu, but I don’t want to die.” Tumutukoy ito sa isang taong naghe-hesitate na umaksyon dahil sa pagiging delikado nito.
Kaya ikaw, susubukan mo bang kumain ng fugu?