Kung titignan, aakalain mong mula sa ibang planeta ang mga nilalang na ito na naglalabas ng puting sapot.
Ito ang tinatawag na nemertea o ribbon worm, isang uri ng marine animal na naninirahan sa lupa o pinakailalaim ng dagat.
Appendage, o bahagi ng katawan na may kakaibang appearance at function, ang lumalabas na weblike substance sa ribbon worm. Tinatawag itong proboscis, isang organ na ginagamit ng invertebrates upang makahuli ng pagkain.
Ilan sa mga kinakain ng ribbon worms ang crab, snail, fish, at iba pang uod.
Bukod sa pagkain, ginagamit din ng ribbon worms ang kanilang proboscis bilang defense mechanism upang takutin ang kanilang predators.
Mayroong toxins ang proboscis na nagpapahina at paralyze sa prey ng ribbon worms, pati na rin sa mga magtatangkang kumain nito.
Kakaiba man ang ribbon worms, hindi ito dapat guluhin at saktan dahil gaya ng lahat ng nilalang sa mundo, mayroon itong mahalagang papel sa kalikasan.