Mahilig ka bang kumain ng wafer?
Hindi nakapagtataka kung oo dahil perfect na pambaon o kaya naman pang-meryenda ang wafer. Marami ka pang pagpipilian na flavors katulad ng vanilla, chocolate, strawberry, at coconut.
Pero alam mo bang mayroong kakaibang wafer na patok sa India? Ito ang Indian Lentil Wafer Snack o mas kilala bilang papad.
Ang papad ay isang traditional wafer-like snack na naging bahagi na ng Indian cuisine sa loob ng maraming siglo. Tinatawag din itong cracker o flatbread na may iba’t ibang flavors kagaya ng chili, cumin, garlic, at black pepper.
Deeply-rooted sa cultural at culinary traditions ng rural India ang kinaugaliang paghahanda ng papad, gamit ang age-old techniques na ipinasa sa mga sumunod na henerasyon. Ito rin ay isang communal activity kung saan kailangang magtulungan ng bawat pamilya at magkakapitbahay para matiyak na successful ang paggawa nito.
Gawa ang thin, crispy wafer-like disc ng papad sa ilang piling ingredients katulad ng dried lentils, chickpea flour, rice flour, o black gram flour.
Sa traditional papad-making, kailangan munang patuyuin ang papad sa ilalim ng araw at tapak-tapakan upang mahulma ito.
Maaari itong prituhin o ihawin, at lagyan ng iba’t ibang toppings at dips.
Mahalaga ang papad sa hapagkainan ng Indians dahil malaki ang naging bahagi nito sa kanilang kultura at tradisyon.