Pormal nang inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang isang variant ng Pinoy pandesal sa kanilang mga consumers.
Ipinakita ang bagong produkto ng tinapay na tinawag na “pinoy coco pandesal” na gawa ng pinaghalong trigo at coconut flour.
Ito ay isinagawa upang mapagaan ang problema sa suplay ng harina dulot ng epekto ng giyera ng Russia at Ukraine.
Makakatulong din ito upang mapalakas ang kasapatan at seguridad ng pagkain ng bansa.
Mabibili ang isang supot ng coco pandesal sa halagang P23.50.