Isang Venezuelan ang naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos mahulihan ng iligal na droga sa loob ng kanyang tiyan.
Kinilala ng Bureau of Immigration (BI) ang drug mule na si Andres Rodriguez, 39-anyos na dumating sa Pilipinas mula Venezuela mula Abu Dhabi, United Arab Emirates sakay ng PAL flight 657.
Nadiskubre ng mga miyembro ng NAIA-Inter Agency Drug Interdiction Task Group na tinangka ni Rodriguez na ipuslit ang 92 pellet na naglalaman ng cocaine.
Nagkakahalaga ng P6.6 million pesos ang kontrabando na inilagay sa mga pellet na tumitimbang ng 13 grams bawat isa o katumbas ng 1.1 kilogram na nilunok naman ng dayuhan.
By Drew Nacino | Raoul Esperas (Patrol 45)