Agad inaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, ang isang suspek na wanted sa Caloocan City.
Kinilala ni PNP-Aviation Security Group Head General Pablo Balagtas ang suspek na si Luisito Buniag na mayroong pending warrant of arrest mula sa Branch 110 ng Caloocan Regional Trial Court.
Si Buniag ay nahaharap sa kasong multiple estafa.
By Katrina Valle | Raoul Esperas (Patrol 45)