Hinangaan ng mga netizens ang isang working students matapos magsauli sa may-aring nakaiwan ng pera sa isang atm machine sa labas ng isang mall sa Bacoor, Cavite.
Ayon sa estudyanteng si Jeanette Cortez Real, matapos ang kanilang graveyard shift bilang call center ay nagpunta siya sa isang atm machine kasama ang kaniyang kapatid para mag withdraw ng pera.
Nang ipapasok na niya ang kaniyang atm card ay bigla na lamang naglabas ng perang nagkakahalaga ng halos P8,000 ang machine kasama ng resibo.
Agad na nagpunta si Real sa branch ng naturang bangko upang i-report ang insidente at ibalik ang pera dahil nakita niya sa resibo na P96 nalang ang laman ng atm ng may-aring nakaiwan ng pera.
Bukod pa dito, ipinost din ni real ang insidente sa kaniyang facebook account na umabot ng 7.7 thousand likes at 6.8 thousand shares. —sa panulat ni Angelica Doctolero