Tatlo ang patay habang 18 ang sugatan makaraang harangin at salakayin ng nasa 1,000 demonstrador ang isang French army convoy sa bansang Niger sa West Africa.
Pabalik na sana ng Mali ang French military convoy nang kuyugin ng mga nagpo-protesta.
Kinumpirma ng French Army na walang nasugatan sa mga sundalo, pero dalawang civilian driver ang nasaktan matapos tamaan ng mga bato.
Katatapos lamang mag-deliver ng suplay ang militar sa Ivory Coast nang maganap ang insidente.—mula sa panulat ni Drew Nacino