Minaliit nina Senador Panfilo Lacson at Senador Antonio Trillanes IV ang isasampang ethics complaint ni dating Bureau of Customs o BOC Commissioner Nicanor Faeldon.
Ayon kay Lacson, may karapatan si Faeldon na mag-aksaya ng papel at tinta at tiyak aniyang may pera ito na pambayad ng abogado.
Para naman kay Trillanes, mistula umanong hindi nauubusan ng gimik ang dating BOC Chief.
Nanindigan si Trillanes na kailangan pa ring humarap si Faeldon sa Senate inquiry para sagutin ang mga alegasyon laban dito.
Matandaang nag-ugat ang reklamo ni Faeldon dahil sa umano’y malisyosong pagdawit sa kanya nina Lacson at Trillanes kaugnay sa nakalusot na 6.4 billion peso shabu shipment mula China at ‘tara’ system sa ahensya.
—-