Ikinakasa na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kasong isasampa laban sa libu-libong opisyal ng barangay dahil sa kawalang aksyon ng mga ito sa kampaniya kontra droga ng gobyerno.
Ayon kay Interior Asst. Sec. Ricojudge Janvier Echiverri posibleng “dereliction of duty” ang kasong kaharapin ng mga opisyal sa 9,000 barangay sa bansa.
Sinabi ni Echiverri na hindi sila nagkulang para gawing katuwang ang mga barangay sa nasabing kampanya ng pamahalaan.
Nagpadala umano sila ng sulat sa lahat ng barangay officials upang kumilos para matuldukan ang paglaganap ng iligal na droga sa kanilang nasasakupan ngunit tila hindi tumatalima ang mga ito.
RPE