Ipinagpaliban ng MMDA ang pagsasara ng U- turn slot sa EDSA na malapit sa General Malvar/Bagong Barrio na dapat ay isasara sa Lunes, Disyembre 7.
Sa halip ayon sa MMDA sa Enero 4, 2021 na lamang itutuloy ang pagsasara ng nasabing U-turn.
Binigyang diin ng MMDA na layon ng pagsasara ng mga U-turn sa EDSA na mapabilis ang biyahe sa EDSA busway.