Bukas na muli sa publiko ang Isetann Mall sa Recto Avenue matapos nitong makakuha ng mga kinauukulang permit upang makapag-operate.
BREAKING: Isetann Mall sa Recto sa Maynila, bubuksan na muli matapos makakuha ng mga kaukulang permit | via @ManilaPIO https://t.co/E70Z8kiII9
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 11, 2019
Ginawa ni Bureau of Permits chief Levi Facundo ang rekomendasyon na nilagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno kung saan nakasaad ang pagpawi sa closure order na inihain sa naturang mall noong Oktubre 9, 2019.
Bukod sa pagkumpleto ng Isetann Mall ng mga kinauukulang permit upang makapagpatuloy sa operasyon, nag-avail din ito ng tax amnesty program ng gobyerno at nagbayad ng halagang P2-million para sa tax nito.
Tiniyak naman ng mall sa pamahalaang lungsod ng Maynila na mahigpit nilang ipatutupad ang anti-fencing law at ang pagbabawal sa pagbebenta ng mga secondhand na cellphones sa loob ng mall.
Magugunitang ipinasara ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang naturang gusali dahil sa ilang paglabag sa ordinansa at misrepresenting applications sa mga permit.